Comelec, binalaan sa posibleng failure of elections sa 2025
Binalaan ng election watchdog na Democracy Watch ang Commission on Elections (Comelec) sa posibilidad na magkaroon ng election failure sa 2025, kung ia-award ng pamahalaan ang bagong electronic voting system contract sa South Korean firm na Miru Systems Co. Ltd.
Paliwanag ng Democracy Watch, base umano sa pinakahuling available data na nagpapakita sa performance ng Miru sa anim na bansa, nagkaroon ng failure of elections sa tatlong halalan, pangunahin na sa isyu ng voting machines.
Paglilinaw nito, ang katatapos na kontrobersyal na halalan na pinamahalaan ng Miru ay sinasabing inulan din ng alegasyon ng dayaan.
Taliwas naman ito sa presidential elections sa Pilipinas noong nakaraang taon, na dumanas lamang ng 'very minimal' na glitches o aberya, na kaagad ring natugunan at nagresulta sa mabilis na deklarasyon sa resulta ng halalan.