Umani ng reaksiyon sa mga netizen ang isang kumakalat na Facebook post sa social media na ibinahagi naman ng isang Facebook page tungkol sa anonymous sender na tila humihingi ng advice sa madlang netizens.

Batay sa kumakalat na screenshot, napag-alaman daw ng anonymous sender na ₱299 lamang ang halaga ng engagement ring ng kaniyang fiance sa kaniya, nang saliksikin niya ang presyo nito sa isang online shopping app.

Ang BF ng nabanggit na babae ay walong taon na niyang karelasyon.

"Ganito lang ba kababa yung halaga ko sa kaniya na hindi man lang niya pinag-ipunan pambili ng ring? Or hindi ko ba dapat i-big deal? Am I too immature to feel this way?" saad pa ng netizen.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Photo courtesy: via Hugot ni Juan (FB)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Engagement ring doesn't measure sa taas nang antas mo sa buhay. Baka hindi lang talaga niya afford bumili nang Engagement ring para sa'yo. I am married for 36yrs now . Kahit isa dyan wala akung natanggap. Engagement ring man o wedding ring nor Big wedding ceremony. Registered lang kami . I put up with all those dreams that most of us woman dreamed of. Just be practical. Ang importante may sariling tahanan , stable income, mahal ka at niri - respeto."

"It doesnt matter how expensive or how valuable , that matters most is his loyalty , sincerity and.love. nowadays some men are not.contented and cannot trusted either."

"Uy ha magandang pag-usapan 'yan. Baka indication din na hindi afford ng guy na buhayin ka, kaya puwede ka ring mag-isip-isip."

"It's a big YES! Di kaya tumbasan ng ring yung pag propose nya in front of my family last Christmas kahit pa di umabot ng 1k ang worth but that was the greatest gift I ever received in 2023."

"Well, madaling sabihing hindi mahalaga ang engagement ring. Pero kung ako si ate girl, mapapaisip din ako sa financial stability ng guy. Kaya ba ako buhayin nito bilang asawa, lalo na kung may sarili na kaming pamilya?"

"Wala sa engagement ring yan, he’s practical iniipon nia ang pera nia para sa kasal ninyo bec he loves u. Be content and appreciative."

"Sasabihin ng mga tao, nag-iipon sa kasal. Eh paano kung wala ring ipon sa kasal? Dito mo kasi malalaman kung kaya kang buhayin o hindi. Baka mamaya sakit lang sa ulo at ang ending sa iyo lang aasa."

Ikaw, anong palagay mo tungkol dito?