Naglabas ng opisyal na pahayag ang legal counsel ng action star na si Raymart Santiago kaugnay ng kontrobersiyal na panayam sa ex-wife niyang si Claudine Barretto sa YouTube channel ni Kapamilya TV host Luis Manzano, na may pamagat na "Luis Listens."

Sa nabanggit na ">vlog kasi ay nagbigay ng ilang detalye si Claudine tungkol sa nakabinbing kaso sa pagitan nila ng mister kaugnay ng kanilang paghihiwalay.

Ayon sa abogado ni Raymart, sa pahayag na ipinadala sa ABS-CBN News, may gag order daw na inilabas ang korte na nag-uutos sa dalawang panig na huwag magbabanggit ng anumang reaksiyon, komento, o pahayag kaugnay ng gumugulong na kaso.

“We will not address, dignify, or respond to any statements made by Ms. Barretto regarding our client, for doing so is a breach of the Gag Order issued by the Honorable Court where the parties’ case for nullity of marriage is undergoing trial," saad ng abogado ni Raymart.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“The Gag Order dated 20 September 2023 of the Honorable Court directed that the parties refrain from expressing in any form, making any defamatory statement or comment, or answer questions pertaining to the other party, and from publicizing the same through print, broadcast media, or digital media. This Gag Order remains to be binding upon the parties.”

Dagdag pa, “In light of the foregoing, we remind Ms. Barretto and all other media outlets that making, airing, and publishing defamatory statements about our client are violations of a court order.”

“Nobody is above the law. Let this be a stern warning that Ms. Barretto’s act of making false, malicious, and defamatory statements about our client are flagrant violations of the Gag Order issued by the court where the nullity proceedings are pending.”

“We will ensure that all legal actions will be taken to protect our client’s rights. The truth regarding the matter will come to light in the proper forum. We continue to put our trust in the judicial system of our country, where due process, justice, and the rule of law have always prevailed.”

Ikinasal ang dalawa noong 2004 subalit naghiwalay sila noong 2013. Sa kasalukuyan ay gumugulong na sa korte ang kanilang annulment.