Unti-unti nang nakababangon ang turismo ng Sagada< Mountain Province matapos maapektuhan ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) ilang taon na ang nakararaan.

Sa pahayag ng Sagada Tourism Office, nakatulong sa pagbangon ng turismo ang maayos na public transportation, mga pasilidad at sari-saring pagkain sa naturang lugar.

Umabot sa 108,059 turista ang dumagsa sa lugar, mula Enero hanggang Nobyembre 30, 2023, mas mataas kumpara sa naitalang 48,761 noong 2022.

Tourism

Pasig River Esplanade, worth it nga bang puntahan?

Paliwanag naman ni Sagada Tourism officer Gloria Pilamon-Langbayan, nakapagtala sila ng 144,000 tourist arrivals noong 2019, o bago tumama ang pandemya sa bansa.

"We are positive Sagada is drawing people back,” ani Langbayan.

Patok din aniya sa lugar ang mga "tuk-tuk" o mga tricycle na nagsisilbing public transportation upang mahikayat pa ang mga turista na iwanan muna ang kani-kanilang sasakyan sa hotel upang mabawasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Idinagdag pa ni Langbayan na kabilang din sa dinarayo sa lugar ang malamig na klima at magagandang tanawin.

PNA