Labis ang pasasalamat ng Department of Education (DepEd) sa Government Service Insurance System (GSIS) at sa Bureau of the Treasury (BTr) matapos nitong pagkalooban ng insurance coverage ang kanilang mga public school buildings.
Ayon sa DepEd, sa pamamagitan ng koloborasyon ng GSIS at BTr, sa ilalim ng National Indemnity Insurance Program (NIIP), nakapag-secure ang DepEd ng critical assistance sa probisyon ng isang kumprehensibong insurance protection para sa kanilang mga public school buildings.
Anang DepEd, sa ilalim ng naturang inisyatiba, ang mga pampublikong paaralan sa buong bansa ay masasaklaw mula sa iba’t ibang panganib gaya ng sunod, kidlat at iba pang mga natural catastrophes sa loob ng isang taon.
Naging epektibo anila ito noong Enero 1, 2024 lamang.
“The Year 2024 truly brings renewed hope to our vision of a MATATAG nation. With the support of a whole-of-nation approach, we continue to strive for quality basic education that every Filipino learner deserves,” anang DepEd, sa isang pahayag.