Apat na indibidwal ang nasawi matapos sumiklab ang sunog sa isang ospital sa bansang Germany, ayon sa lokal na pulisya nitong Biyernes, Enero 5.

Sa ulat ng Agence France-Presse, nangyari ang sunog sa northern German town ng Uelzen dakong 10:45 ng gabi (2145 GMT) nitong Huwebes, Enero 4.

Nakita raw ang apoy at usok hanggang sa ikatlong palapag ng ospital.

Pawang mga pasyente umano ang apat na nasawi sa sunog.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Bukod dito, inihayag ng Lueneburg police spokesman sa AFP na "double-digit number" ang bilang ng mga indibidwal na nasugatan, kung saan marami raw sa kanila ang nasa malubhang kalagayan.

Hindi pa umano malinaw ang sanhi ng naturang sunog.

Naglunsad na rin ng imbestigasyon ang mga awtoridad para matukoy ang pinagmulan ng insidente, na nagresulta raw ng pinsala na umabot ang halaga sa mahigit isang milyong euro ($1.1 million).