Namaalam na si Lovi Poe sa teleseryeng “FPJ’s Batang Quiapo” matapos mamatay ang karakter niyang si “Mokang.”

Matatandaang um-exit pansamantala ang aktres sa naturang teleserye para makapag-pokus sa pagpapakasal sa jowang afam na si Monty Blencowe sa Europe.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Kaya’t naging usap-usapan na baka hindi na raw ito bumalik sa Pilipinas dahil magse-settle na ito for good sa ibang bansa para mas makasama nang matagal ang mister.

MAKI-BALITA: Lovi Poe exit daw muna sa ‘Batang Quiapo’ para sa kasal

Pero matapos ang kasal, bumalik din ito sa Pilipinas para mag-taping ulit.

MAKI-BALITA: ‘Paladesisyong’ mosang, netizens supalpal kay Lovi Poe; balik-taping sa BQ

This time mukhang tuluyan na nga ang pag-exit ni Lovi sa BQ dahil namatay na ang karakter niyang si “Mokang/Monique.”

Sa latest episode, babarilin sana ni Olga (Irma Adlawan) si Tanggol (Coco Martin) pero sinalo ni Mokang ang bala dahilan para matamaan ito sa ulo at nagresulta sa agaran niyang pagkamatay.

Sa Instagram post ni Lovi nitong Enero 4, 2024 nag-post siya ng isang tribute message para sa mga bumubuo ng naturang teleserye.

Pahayag ng aktres, blessed daw siya dahil naging bahagi siya ng proyektong nagre-represent ng pangalan ng kaniyang amang si Fernando Poe, Jr.

“I am truly blessed to have been part of a project that represents my father’s name. It was a first and it will always mean the world to me. My deepest appreciation to Sir Deo, Tita Cory and ABS-CBN for this opportunity. You have given me a missing piece to my puzzle. For that, I will always be grateful,” saad ni Lovi.

Sinabi rin ng aktres na big part ng kaniyang 2023 ang pagganap kay Mokang at bukod dito, mamimiss niya rin daw ang Batang Quiapo team, “A big part of my 2023 was breathing life into a character I have grown to love — what a privilege it was to play Mokang. She was a fighter and she taught me how it is to truly be free. It really was a tough decision for me to make but I have decided to turn the page.”

“To my Batang Quiapo team, the depth of your creativity and imagination knows no bounds and I know you will continue to soar high. I will always be cheering for all of you from afar. Mamimiss ko kayo ng malala.”

Syempre, hindi mawawala ang message para  kay Coco na siyang gumanap bilang ka-partner nito at direktor ng teleserye.

“To my dearest tagapagTANGGOL, maybe in another life? 😉

“Direk Coco, my dad’s legacy is in great hands. Salamat at pinagpapatuloy mo.

“Coco, I will always be one of your biggest fans. Please try to get some sleep.♥️”

“At sa mga nagmamahal kay Mokang, sobrang mahal ko din kayo. Maraming maraming salamat poe.

Inyong tropa, Mokang…now signing off. ♥️