Nakahuli pa ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng 44 na motoristang dumaan sa EDSA bus lane sa Quezon City nitong Huwebes.
Pinangunahan ng mga tauhan ng MMDA-Special Operations Group-Strike Force ang operasyon sa loob lamang ng dalawang oras.
Sinabi ng MMDA, pinagmulta ng tig-₱5,000 ang mga nasabing motorista dahil sa unang paglabag sa EDSA bus lane policy.
"Huwag balewalain ang kampanya laban sa maling paggamit ng EDSA busway na para lamang sa mga pampasaherong bus na nag-o-operate sa EDSA Busway route," anang ahensya.
Metro
Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!
Kabilang sa mga pinapayagang gumamit ng EDSA bus lane ang ambulansya, fire truck, sasakyan ng Philippine National Police (PNP), at service vehicles para sa EDSA busway project.
"Puwede rin itong gamitin ng Presidente, Bise Presidente, Senate President, Speaker of the House of Representatives, at Supreme Court Chief Justice para naman umasiste sa pagganap ng kanilang tungkulin," dagdag pa ng MMDA.
Sa datos ng MMDA, mahigit 11,000 motorista ang nahuli ng ahensya mula nang simulan ang mahigpit na implementasyon ng patakaran noong 2023.