Kilala mo ba ang World Wrestling Entertainment (WWE) wrestler na nakilalang si "Tyler Reks?"
Kung hindi mo na siya nakikitang nakikipagsagupaan sa ibabaw ng ring, malayong-malayo na kasi ang hitsura niya ngayon sa dating maskulado niyang pangangatawan.
Noong 2021, umamin si Tyler na isa siyang miyembro ng LGBTQIA+ community, at sinabi niyang sasailalim siya sa isang total transformation. At ngayon nga, tinalikuran na niya si Tyler Reks at kilala na siya ngayon sa social media bilang si "Gabbi Tuft."
View this post on Instagram
"The ball dropped early today as this is now worldwide news. This is me. Unashamed, unabashedly me. This is the side of me that has hidden in the shadows, afraid and fearful of what the world would think; afraid of what my family, friends, and followers would say or do," aniya sa kaniyang Instagram post noong Pebrero
"I am no longer afraid and I am no longer fearful. I can now say with confidence, that I love myself for WHO I am," saad pa niya.
Bata pa lamang daw si Gabbi ay alam na niyang iba ang sexual identity niya. Nahilig siya sa pasikretong paglalaro ng mga manika at pagsusuot ng damit ng kaniyang ina. Dahil natakot siyang mag-come out dahil sa pressure sa lipunan at pambubully sa kaniya sa school, high school pa lamang ay nahilig na siya sa bodybuilding.
Nagtapos man siya ng kursong civil engineering course sa isang university sa California, ang hilig ni Gabbi ay nasa fitness.
2009 nang madiskubre siya't mapasali sa WWE dahil sa kaniyang kaanyuan. Nakilala siya bilang isang maskuladong lalaki na may mga tattoo at dreadlocks.
Makalipas ang apat na taon, nagretiro si Gabbi sa wrestling at nagpokus sa kaniyang social media activities. Sa kasagsagan ng pandemya noong 2021, sa edad na 45 ay nagdesisyon si Gabbi na mag-explore at ilantad na ang kaniyang tunay na sarili.
Dahil sa kaniyang pagbabago, nag-diborsyo sila ng kaniyang asawa, subalit nanatili naman silang in good terms.
Sa kasalukuyan ay isa nang fitness influencer si Gabbi, at lagi niyang ibinabahagi ang kaniyang mga pinagdaanan sa kaniyang transition.
Makikita sa kaniyang TikTok account ang kaniyang mga content tungkol sa kaniyang fitness at transition journey.