Maituturing na tagumpay ang 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil as of Tuesday, January 2 dahil umabot na pala sa ₱700 million ang total gross ng lahat ng 10 pelikulang nagsalpukan sa takilya.

Nangunguna sa takilya ang "Rewind" na comeback movie nina Dingdong Dantes at Marian Rivera o DongYan na nasa ilalim ng Star Cinema, at kahit lotlot ito sa naganap na Gabi ng Parangal noong Disyembre 27, patuloy ang pag-ani nito ng magagandang reviews, reactions, at feedback mula sa mga nakapanood na.

Dahil marahil sa epekto ng awards at positibong reaksiyon at komento ng mga netizen, tumatabo rin sa takilya ang "Firefly" nina Alessandra De Rossi at Euwenn Mikaell, "Mallari" ni Piolo Pascual, at "GomBurZa" nina Dante Rivero, Enchong Dee, at Cedrick Juan.

Dahil sa magagandang mga pelikula noong 2023 ay magkakaroon daw ng Manila International Film Festival (MIFF) ang mga pelikulang kalahok sa Los Angeles, California na gaganapin mula Enero 29 hanggang Pebrero 2.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Exciting dahil baka ang mga naisnab sa Gabi ng Parangal dito sa Pinas ay baka magkaroon ng pagkakataong makilala na, dahil magkakaroon daw ng sariling media conference, gala night, at awards' night ang nabanggit na festival.

Sasagutin daw ng pamunuan ng MMFF ang plane ticket ng dalawang artista per movie.

Mukhang unti-unti nang sumisigla ang mga paggawa ng pelikula sa bansa lalo na't kapuri-puri ang mga pelikula pagdating sa content.

May hanggang Enero 7 pa ang mga manonood para tangkilikin ang lahat ng mga pelikula ng MMFF 2023.