Bibisita sa bansa si Indonesian President Joko Widodo sa Enero 9-11, ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Huwebes.

Nakatakdang magpulong sina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Widodo sa Enero 10 upang talakayin ang natamong pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa kasunod ng state visit ng Pangulo sa Indonesia noong Setyembre 4-6, 2022.

Ang Pilipinas at Indonesia ay founding members ng ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) at matatag ang kanilang samahan sa usaping pampulitika, pang-ekonomiya at people-to-people ralations.

Internasyonal

Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88

"President Ferdinand R. Marcos Jr. is pleased to welcome His Excellency Joko Widodo, President of the Republic of Indonesia, for his upcoming official visit to the Philippines, scheduled on 9-11 January 2024," ayon sa pahayag ng Malacañang.

Inaasahan ding pagtibayin ng dalawang bansa ang kanilang ugnayan, lalo pa't ipagdiriwang ng Pilipinas at Indonesia ang ika-75 anibersaryo ng diplomatic relations ng mga ito sa Nobyembre 2024.