Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng low transmission o mababang hawahan ng mild Covid-19 sa katatapos na holiday season.

Ayon sa DOH, mula Nobyembre hangang Disyembre 2023, ang porsiyento ng mga okupadong ICU (intensive care unit) beds para sa Covid-19 cases ay nananatiling mababa, na ang pinakamataas ay nasa 16% lamang o average na 12%.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa nasabing panahon din, ang bilang ng mga okupadong non-ICU beds para sa Covid-19 cases ay mababa rin, na ang pinakamataas ay nasa 19% lamang o average na 17%.

Anang DOH, makikita rin sa kanilang datos ang ‘consistently low percentage’ ng mga Malala o kritikal na kaso ng Covid-19 sa mga hospital admissions, na kasalukuyang nasa 11%.

Iniulat din ng DOH ang patuloy na low transmission at mild presentation ng Covid-19locally, bunsod na rin anila ng pagpili ng mga Pinoy ng health behaviors at patuloy na pag-iingat upang makaiwas sa virus.

“Our data shows the continuous low transmission and mild presentation of Covid-19 locally,” anang DOH. “This is due to Filipinos choosing healthy behaviors and heeding the call for multiple layers of protection: using face masks when needed, and going to well-ventilated areas, staying at home when ill. We also have high vaccination coverage.”

Dagdag pa ng DOH, “Critical cases are minimized, because eight out of every ten eligible senior citizens are protected by a primary series.”

Anang DOH, ang average number ng mga bagong kaso kada araw para sa linggo ng Disyembre 26, 2023 hanggang Enero 1, 2024 ay bumaba ng 10% kumpara sa mga kaso mula Disyembre 19 hanggang 25.

Sa mga bagong kaso naman, nasa 1% lamang anila ang seryoso at kritikal.

Kaugnay nito, muli namang tiniyak ng DOH ang kanilang commitment na patuloy na masusing i-monitor ang trend ng anumang pagbabago sa hawahan ng virus.

Mahigpit din ang paalala ng DOH sa lahat na huwag maging pabaya at huwag ipagsawalang-bahala ang Covid-19.

“Everyone is reminded not to be complacent about Covid-19. We can gather and carry on with our activities, mindful always to choose well-ventilated and good airflow areas. When feeling ill, it is best to stay at home. Choose to wear a mask if you have symptoms, or even if you are healthy but you are vulnerable (of senior age or immunocompromised) or frequently stay with a person who is. Vaccination protects. These same measures work against many other influenza-like and respiratory illnesses,” anito pa.