“Keeping an eye on Io. 👁️”
Ibinahagi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang closest encounter nito sa isa sa mga buwan ng planetang Jupiter na “Io.”
Sa isang Instagram post, inihayag ng NASA na nakalapit ang kanilang Juno spacecraft sa Io noong Disyembre 30, 2023.
Ito raw ang closest encounter sa buwan sa nakalipas na mahigit 20 taon.
“Coming within roughly 930 miles (1,500 km) of the surface of the most volcanic world in our solar system, the JunoCam instrument aboard the spacecraft acquired images of Io. This view shows Io’s high northern latitudes,” saad ng NASA.
Naka-schedule daw ang pangalawang ultra-close flyby ng Io sa darating na Pebrero, kung saan muling darating ang Juno sa loob ng humigit-kumulang 930 miles (1,500 km) mula sa ibabaw ng naturang buwan.