Ispluk ni Rendon Labador na isa raw sa mga pangarap niya ay ang maipangalan sa kaniya ang bagyo rito sa Pilipinas.
Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na nakapangalan sa tao ang mga bagyo hindi lamang dito sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa.
Maki-Balita: Bakit nakapangalan sa tao ang mga bagyo?
Katunayan, sa pagsisimula ng bagong taon, inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang magiging lokal na mga pangalan ng mga magiging bagyo sa Pilipinas para sa 2024.
Maki-Balita: PAGASA, inihayag mga pangalan ng bagyo sa 2024
Sa isang artikulo ng Balita sa Facebook, tungkol sa pangalan ng bagyo, nag-iwan ng komento si Rendon.
“Eto ang isa sa mga pangarap ko, ipangalan saakin ang bagyo,” aniya.
Dagdag pa niya, Sana yung pinaka malakas kung sakali!!! yung sa sobrang lakas magigising ang buong Pilipinas sa katotohanan.”
Super Typhoon Rendon naman pala ang nais!
Samantala, humingi ng tawad si Rendon sa lahat ng mga artista at celebrity na “nasaktan” niya sa social media, matapos silang sitahin sa mga isyung kinasangkutan nila.
Maki-Balita: ‘Kung nasaktan ko man kayo!’ Rendon nag-sorry sa mga nabenggang celebs