Naglunsad na ng imbestigasyon ang Energy Regulatory Commission (ERC) kaugnay sa malawakang brownout sa Panay Island nitong Martes ng hapon.

Sinabi ng ERC, layunin ng imbestigasyon na tukuyin ang sanhi ng power outage.

Kaagad namang sinabi ng Department of Energy (DOE) na gumagawa na ng hakbang ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) upang maibalik ang supply ng kuryente sa lugar.

Nakikipag-ugnayan pa rin ang DOE sa NGCP kaugnay ng ginagawang power restoration ng huli.

Kabilang sa naapektuhan ng power outage ang Iloilo, Guimaras, Capiz, Negros, Antique at Aklan.

Probinsya

CDO mayor, ipinag-utos pagbawas ng pagkonsumo sa kuryente, petrolyo bunsod ng tensyon sa Middle East

Sa 13 power plants, apat lamang ang naging operational sa Panay Island pagsapit ng 9:30 ng gabi, ayon naman sa NGCP.