Inaasahang pumasok sa bansa nitong Enero ang unang bagyo ngayong 2024.

"It is rare that the country experiences a strong tropical cyclone in January. Most are tropical depression category due to the prevailing northeast monsoon," pahayag ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) administrator Nathaniel Servando nitong Martes.

Sakaling mabuo bilang bagyo, tatawagin itong "Aghon."

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Sa pagtaya ng PAGASA, inaasahang lilihis ang bagyo at tatama sa silangan ng Southern Luzon at Visayas.

Posible rin aniyang makaranas ng limang bagyo ang bansa mula Enero hanggang Hunyo.

Nasa 11 bagyo ang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) noong 2023, ayon kay Servando.

Umaasa rin si Servando na kaunting sakuna lamang ang tatama sa bansa ngayong taon.

"I hope everyone will continue to be mindful of the changes in the weather and climate, and be prepared for the impacts of El Niño in the coming warm and drier months," pahayag pa ni Servando.

PNA