Super proud na flinex ng aktres na si Jennica Garcia ang first painting ng kaniyang bunsong anak for this year.

Sa Instagram post ni Jennica nitong Martes, Enero 2, sinabi niyang nata-touch daw siya kapag tinitingnan ang mga painting ni Alessi.

“Alessi’s first painting for the year 2024.It is not a guided artwork. I wanted to see what she will come up with on her own. Seeing her paint rain, rainbow, heart, myself, her Ate Mori and herself in one canvas touches my heart,” saad ni Jennica.

At nang makita nga niya ang first painting ni Alessi sa taong ito ay parang nasulyapan din niya ang mga pinagdaanan nilang mag-iina noong 2023.

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

“As the three of us enter the year 2024…Alessi’s painting made me realize that being a single mom with two children does NOT make us a broken family. We are WHOLE,” aniya.

Dagdag pa ng aktres: “Just like what Alessi said when she gifted me her painting, ‘Here Nanay, it’s my New Year gift for you. It’s OUR Family’.”

Sa huli, pinasalamatan ni Jennica ang Diyos para sa pagbibigay sa kanila ng masasayang sandali pagkatapos humarap sa mga pagsubok sa buhay.

Binati rin niya ng maligayang bagong taon ang lahat at nagpasalamat para sa pagmamahal at suportang natatanggap nilang mag-iina.

Matatandaang noong Agosto 2023 ay inamin ni Jennica na hiwalay na talaga sila ng estranged husband na si Alwyn Uytingco at umuusad na rin ang proseso ng kanilang annulment.

MAKI-BALITA: Jennica inaming hiwalay na talaga kay Alwyn; annulment, inaayos na