Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga magiging lokal na pangalan ng mga bagyo na papasok o mabubuo sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) ngayong 2024.
May apat na set ang PAGASA ng mga pangalan ng bagyo na salit-salitang ginagamit kada taon. Halimbawa, ang set para sa 2023 ay gagamitin din para sa mga taong 2027, 2031, 2035, at iba pa.
Samantala, ang set ng local names ng mga bagyo para sa 2024 ay gagamitin din sa 2028, 2032, 2036, at iba pa.
Nakahanay ang 25 local names ng mga bagyo mula sa letrang A hanggang Z ng English alphabet (hindi kasama ang letrang X).
Narito ang mga lokal na pangalan ng mga bagyong gagamitin para sa 2024:
- Aghon
- Butchoy
- Carina
- Dindo
- Enteng
- Ferdie
- Gener
- Helen
- Igme
- Julian
- Kristine
- Leon
- Marce
- Nika
- Ofel
- Pepito
- Querubin
- Romina
- Siony
- Tonyo
- Upang
- Vicky
- Warren
- Yoyong
- Zosimo
Nagbigay rin ang PAGASA ng “auxiliary names” na gagamitin daw kapag lumampas sa 25 ang bilang ng mga bagyo na papasok o mabubuo sa PAR sa naturang taon.
Narito ang auxiliary names para sa taong 2024:
- Alakdan
- Baldo
- Clara
- Dencio
- Estong
- Felipe
- Gomer
- Heling
- Ismael
- Julio
Samantala, matatandaang inihayag ng PAGASA kamakailan na posibleng magkaroon ng hanggang isa lamang na bagyo ang bansa sa buwan ng Enero.