Nagpahayag ng pasasalamat si Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko sa pakikiramay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos yanigin ang Japan ng magnitude 7.6 na lindol nitong Lunes, Enero 1, 2024.
Matatandaang sa isang X post nitong Martes ay ipinaabot ni Marcos ang kaniyang pakikiramay sa mga apektado ng lindol sa Japan, at sinabing nakahanda ang Pilipinas na tumulong dito.
“We have made the offer to assist in any way that we can. In the face of shared climate challenges within the Pacific Ring of Fire, we stand united with Japan and stay ready to provide support from the Philippines,” ani Marcos.
Shinare naman ni Koshikawa ang post ni Marcos at nagpasalamat sa pangulo.
“🙏 Thank you so much for your messages, President @bongbongmarcos,” ani Koshikawa.
“(Japan and the Philippines) have consistently stood by each other in times of crisis. A friend in need is a friend indeed,” dagdag pa niya.
Matatandaang tumama ang magnitude 7.6 na lindol sa rehiyon ng Noto sa Ishikawa prefecture sa bahagi ng Sea of Japan bandang 4:10 ng hapon (0710 GMT).
Agad na naglabas ang Meteorological Agency ng Japan ng tsunami warning sa western coastal regions. Makalipas lamang ang 10 minuto, naiulat ang unang tsunami waves sa western coastal regions, na umabot daw sa apat na talampakan ang taas.
Nito lamang Martes ng umaga nang alisin ng ahensya ang lahat ng tsunami advisories kaugnay ng naturang lindol.
Inihayag naman ng Japan Meteorological Office nitong Martes na umabot na rin umano sa 155 ang bilang ng mga pagyanig sa lugar, kasama na ang nasabing malakas na lindol.
https://balita.net.ph/2024/01/02/mga-lindol-na-yumanig-sa-japan-umabot-na-sa-155/
Samantala, ayon sa mga lokal na awtoridad nitong Martes, umabot na sa 30 ang bilang ng mga indibidwal dahil sa naturang malakas na pagyanig.
https://balita.net.ph/2024/01/02/mga-nasawi-sa-lindol-sa-japan-umabot-na-sa-30/
Sinabi naman ni Philippine Ambassador to Tokyo Mylene Garcia-Albano nananatiling ligtas ang mga Pilipino sa Japan matapos ang lindol.
https://balita.net.ph/2024/01/02/mga-pinoy-ligtas-mula-sa-malakas-na-lindol-sa-japan-ph-envoy/