Napagdiskitahan ng mga netizen ang isang picture ni Angelica “Angge” Panganiban sa kaniyang kasal noong Linggo, Disyembre 31.

Proud kasing ibinida ni Angge sa nasabing larawan ang kaniyang wedding ring kaya naging agaw-atensyon ang kuko niya.

Ni-reshare ng ABS-CBN News sa kanilang Facebook page ang mga wedding photo ni Angelica. At dito nga mababasa ang iba’t ibang reaksiyon ng mga netizen sa kaniyang kuko. Narito ang ilan:

“Bakit ba kasi ganyan ang nail polish design/style angeee alam mo naman marites buong pilipinas, napa zoom kaming lahat haha 😆”

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

“Ayy beh congrats sayoooo. Pasensya na najudge ko kaagad kuko mo. Buti nalang zinoom in ko. Bagong taon na, pabago mo nadin yung nail design. Charot🙈”

“Buti na lang zinoom ko. Akala ko madumi kuko mong nagpakasal eh. Btw, congratulations! 🙏”

“Zoom in SA Kuko.. 😀 by the way best wishes and congratulations SA Inyo 😀😘”

“Angeeeeeeee. My G! Sorry npa zoom din ako ✌️✌️ Yeay! my heart is so happy Congratulations love birds 🥂✨”

“Sa dami dami naman kasi ng nail design, sa kasal mo pa yan napili Ange!!!!! Congratulations. Ang saya saya. Super happy for youuuuz”

“Hahaha napa zoom din ako. Para may lupa lupa 🥰🤣”

“Muntik kuna isipin ang kuko niya ay madumi...hindi pla,😂”

“Ate mong nagbungkal ng lupa bago ikinasal. Inilibing nya ang nakaraan at mga ka negahan last year. 😁 Congrats Angge! Happy New Year! 🎉”

“hahahaha Akala ko madumi kuko nia🤣🤣🤣”

“Sana wag mo na pong ulitin na mag nail tips ng dark…”

“Mas umagaw ng atensyon ang kuko kesa sa singsing.”

Ikinasal si Angge sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

MAKI-BALITA: Angge ikinasal na kay Gregg: ‘Patuloy na mananalig at maniniwala sa pag-ibig!’