Pinusuan ng mga tagahanga at tagasuporta ni Kapamilya star Andrea Brillantes ang isang TikTok video kung saan makikitang masayang-masaya nag-unbox si Blythe ng isang regalo para sa kaniya.

Ang laman ng nabanggit na regalo ay isang gitara.

Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha ni Blythe nang ma-unbox ito.

National

Sigaw ni Castro: 'Bring Home Roque!'

Kaya napapatanong tuloy ang mga netizen kung "gitarista" o marunong bang maggitara si Andrea dahil hindi naman siya kilalang singer kundi isang artista.

Pero bukod sa gitara, pinuri ng mga netizen ang taglay na kagandahan ni Andrea, na kamakailan lamang ay nag-top 16 sa "100 Most Beautiful Faces" ng TC Candler.

Parang hindi raw makikita sa face ni Andrea na naaapektuhan siya sa mga intrigang ibinabato sa kaniya, lalo na sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong 2023.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"she's sooo beautiful and talented"

"marunong pala siya maggitara?"

"naks gitarista pala eh..."

"Marunong pala siya magpatugtog ng gitara."

"Very blessed Blythe!"

"Ang ganda niya grabe..."