Mukhang hindi na talaga mapipigilan pa ang pagmamahalan ng mag-asawang Vice Ganda at Ion Perez.
Sa Instagram post kasi ni Ion nitong Lunes, Enero 1, nag-flex siya ng compilation ng pictures at video clips ng mga happy moment nila ni Vice Ganda.
View this post on Instagram
“Until 2090! MuhLOVE ♥️♥️♥️ Welkam twenty twenty four!” sey ni Ion sa caption.
Pabiro naman ang naging komento ni Vice sa ibinahaging post ng asawa: “Waaaahhhhhhh napakadaya!!!! Nalamangan mo na naman ako! Ang goal ko this 2024 ay matuting magedit para di ka nakakalamang sa posting! Bwak bwak bwak!!!!”
“I love you babe ko! This year will be an amazing one for us, our families, those we love and those who love us! Happy New Year asawa ko!” dagdag niya na parang hindi na maitago pa ang kilig.
Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang sinabing ‘yon ni Vice kay Ion. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“rooting for your editing skills madam hahahahahaaha, labyu!”
“this simple message can make my tears down”
“Happy New Year my VICEION! I love you both so much! so excited to spend this year with u two!! 🥂🤍”
“HAPPY NEW YEAR SA INYU MAG ASAWA MAHAL NA MAHAL KO KAYO, KAYO PARIN SA 2024 ❤️”
“ang galing ng asawa mo mag edit ng video Meme… Ganyan tlga pag in love… haysss…love you both🫶💖”
“tita vice super sweet naman ni tito ion tita vice thank kaski na welcome mo si tito ion sa buhay mo na asawa mo kaski noon sinabi mo sakin na magasawa ka ng Loveing na tao hindi mo pala sinabi sakin na si tito ion pala yun tita vice happy new yaer tita vice idol na idol na idol kita tita vice kaski yun manga tanta mo tita vice ang gaganda tita vice”
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, mayroon nang mahigit 13k likes ang naturang post ni Ion.