Nag-flex si Senator Win Gatchalian ng kanilang selfie ng jowa niyang si Bianca Manalo sa kaniyang Instagram account noong Biyernes, Disyembre 29.
Nakabalik na kasi si Bianca sa Pilipinas mula sa bakasyon ng pamilya niya sa Tokyo, Japan kamakailan.
MAKI-BALITA: Unbothered? Bianca Manalo, nag-eenjoy sa Japan
“Reunited and it feels so good,” saad ni Gatchalian sa caption.
Sa comment section ng post, tila binubuyo ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang dalawa na magpakasal na.
“Naks!! Kasalan na! 😍🙌❤️ @stgatchalian74 @biancamanalo,” komento ng aktres.
Segunda naman ng isa pang netizen: “Get married na! Blessed New Year!”
In fairness, mukhang hindi talaga matitibag ang dalawa kahit inulan ng intriga lately, ha.
Matatandaang kamakailan lang ay naging kontrobersiyal ang pangalan ni Bianca matapos mag-leak ang private conversation nila ng kaniyang “Magandang Dilag” co-star Rob Gomez.
MAKI-BALITA: Bianca Manalo at Rob Gomez, palihim na nagkikita?
Pero pumalag si Bianca sa lumutang na isyu. Pinabulaanan niya ito at sinabing magbibigay lang daw siya ng Christmas gift kay Rob kaya siya makikipagkita sa aktor.
MAKI-BALITA: Bianca Manalo sinabing magbibigay lang daw ng Christmas gift si Rob Gomez
Pati si Gatchalian ay sinabing wala raw fake news na makakatibag sa kanilang relasyon ni Bianca.
MAKI-BALITA: Relasyon nina Sen. Win, Bianca ‘di matitibag ng fake news
Sa katunayan, may patutsada pa nga ang senador para sa mga bashers, bitteria, at marites.
MAKI-BALITA: Sen. Win may banat sa bashers, bitteria, at marites; Bianca nag-react