Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang isang videotaped message sa kaniyang Facebook account nitong Linggo, Disyembre 31, kung saan niya binigyang-tuon ang pagbibigay ng mas maayos na pampublikong serbisyo sa bawat Pilipino bilang New Year’s resolution ng pamahalaan.
“Sa pagsapit ng Bagong Taon ang bawat Pilipino ay mayroong New Year’s resolution o pangakong pagbabago sa kanilang buhay,” saad ni Marcos.
“Ang New Year’s resolution ng inyong pamahalaan ay ang puspusang pagsisikap upang maggawad ng mahusay at tapat na serbisyo na susi ng pagpaganda ng buhay nating lahat,” aniya.
Pinaalala rin niya na ang mga dakilang bagay daw ay laging posibleng mangyari hangga’t nananatili ang pananalig ng bawat isa sa kani-kanilang sarili, sa bansa, at sa Diyos.
“And as long as values that bind us keep us united in our collective pursuit of shared progress, we will succeed. Mabuhay ang Bagong Pilipinas,” dagdag pa niya.
Samantala, bago pa man ito, nauna nang magbigay ang pangulo ng kaniyang mensahe para sa pagdiriwang ng Bagong Taon.
MAKI-BALITA: PBBM sa New Year celebration: ‘Let us embody the spirit of solidarity’