Nagpaabot ng mensahe si Unkabogable star Vice Ganda ngayong bagong taon.
Sa Facebook post ni Vice Ganda nitong Lunes, Enero 1, sinabi niya ang kaniyang hiling para sa madlang people at sa kaniyang little ponies.
“Sa simula pa lang ng taon sana ay naputukan na kayo sa mukha at kaloob looban ninyo ng pagmamahal, saya, pag-asa at kapayapaan,” ani Vice.
Dagdag pa niya: “Buong taon sanang dumikit sa inyong katawan ang lagkit ng tagumpay! Love kayo ng Meme!”
Binati rin naman si Vice pabalik ng mga netizen pero hindi naiwasan ng iba na mag-react sa makahulugang mensahe ng komedyante. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“Ba't natawa ako sa naputukan sa mukha? Ang babaw na ng kaligayahan ko, pero swerte naman daw ang green kaya baka acceptable na ang greenminded? ?”
“Meme nuba Yan iBang putukan naisip ko ???”
“Happy New Year Meme,umpisa pa lang ng taon napatawa muna ako sa naputukan Meme ?Labyu ?????”
“Happy new year meme Vice Ganda palagi mo q pnapasaya unq maiiyak ka nlnq kakatawa ❤️ ily ?”
“Happy New Year Vice Ganda, Ang pambansang Kabayo ng Pilipinas…”
“Kayo din po meme vice ingat po kayo lage at healthy na katawan l at more blessing para sayo salamat sa araw na pag pasaya at maging inspiration ko nawawala lungkot ko dito sa abroad makita ko lang nga vedeo mo ?????”
“Happy new year meme Vice pinasaya mo kami kagabi ???”
“Meme Ang gandaaa nyo po kagabi sa QC I love u meme ???happpy new year po”
Matatandaang bahagi si Vice ng pasabog na inihanda ng Quezon City para sa New Year countdown ng lungsod.
MAKI-BALITA: QC, may special guest sa kanilang ‘unkabogable’ New Year countdown