Araw-araw na nangungulila ang aktor na si Elijah Canlas sa yumao niyang kapatid na si JM Canlas.
Sa Instagram story ni Elijah nitong Sabado, Disyembre 31, makikita ang kaniyang kuhang larawan habang hawak ang picture ng kapatid.
“I miss you everyday, JM. I can’t believe we’re entering the new year without you,” saad ni Elijah sa caption text sa kaniyang IG story.
Dagdag pa niya: “I love you forever. Happy new year, Kulit! Enjoy the celebration up there.”
Talagang hindi maikakaila ang pagmamahal ni Elijah kay JM. Matatandaang noong Setyembre ay nagpa-tattoo pa siya para dito.
MAKI-BALITA: Elijah Canlas, nagpa-tattoo para sa namayapang kapatid
Agosto naman nang pumanaw si JM sa edad na 17.
MAKI-BALITA: Elijah Canlas may makadurog-pusong mensahe sa namayapang kapatid