Pasabog ang Instagram post ni Kapamilya star Angelica Panganiban matapos niyang i-flex ang mga larawan nila ng partner-turned-husband na si Gregg Homan, dahil ikinasal na sila nitong Disyembre 31, 2023.

Walang nakatunog sa pagpapakasal ng dalawa, kagaya rin ng pag-flex ni Angge kay Gregg sa unang araw ng Enero noong 2021 bilang kaniyang jowa.

Isang outdoor wedding ang naganap sa US kaya pala magkakasama sila ng mga kaibigang sina Bela Padilla at Kim Chiu.

Kasama rin sa kasal ang kaibigang direktor ni Angge na si Andoy Ranay.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

"Patuloy na mananalig at maniniwala sa pag-ibig. Sa kabila ng lahat. Ang pagmamahal pa rin ang kakapitan," ani Angge sa kaniyang Instagram post ngayong Enero 1, 2024.

"Maligayang bagong taon - Mrs. Angelica Panganiban Homan ❤️," aniya pa.

Si Pat Dy na celebrity photographer ang nagsilbing wedding photographer ng nabanggit na kasal.

"The secret is out and 2024 started with a bang! Congratulations on Angelica and Greg! @teampatdy," aniya sa kaniyang Instagram post.

View this post on Instagram

A post shared by Pat Dy (@patdy11)

Noong Oktubre 2022 ay na-engage sina Angelica at Gregg, subalit bago ikasal, dumating na sa buhay nila ang "biyaya" nila na si Amila Sabine o Baby Bean.

Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Angge noong Nobyembre, nagbigay na siya ng hint na huling beses na siyang magdiriwang ng birthday bilang Ms. Panganiban.

"Salamat sa pagsama sakin sa huling kaarawan bilang Ms. Panganiban 🫰," mababasa sa caption ni Angge.

MAKI-BALITA: Angelica huling beses nang magbe-birthday bilang ‘Ms. Panganiban’

MAKI-BALITA: Angelica Panganiban may makabagbag-damdaming Father’s Day message kay Gregg Homan

MAKI-BALITA: Angelica Panganiban may sweet b-day message sa boyfriend: Sila na nga ba ang forever?

Congratulations, Angelica at Gregg Homan!