Mababawasan na ang alalahanin ng mga probinsyang maapektuhan ng matinding tagtuyot sa Pilipinas dahil natapos na ang konstruksyon ng small farm reservoirs (SFRs) na bahagi ng Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa pahayag ni DSWD Secretary Rex Gatchalian nitong Linggo, Disyembre 31, tiniyak niyang makapagbibigay ng sapat na water supply ang mga naipatayong SFR para patuloy na makapagluwal ng mga produkto sa sektor ng agrikultura sa kabila ng banta ng tagtuyot.

Ayon pa kay Gatchalian, ang cash-for-work (CFW) at cash-for-training (CFT) na bahagi ng Project LAWA ang isa sa mga naging daan para maisaktuparan ang mga SFR.

“The local residents themselves were engaged in Project LAWA and they helped in building these water reservoirs that will benefit their respective communities amid the possible impacts of a dry spell on their livelihood,” aniya.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Layunin umano ng proyekto na maprotektahan ang mga bulnerableng komunidad mula sa posibleng epekto ng El Niño sa pamamagitan ng paglalaan ng “sustainable water sources” at “additional income support”.

Ang makakatanggap ng benepisyo ng proyektong ito ay ang mga residente ng mga sumusunod na bayan: Aguinaldo, Alfonso Lista, at Hungduan sa Ifugao; Sebaste, Barbaza, at Sibalom sa Antique; at Laak, Monkayo, at Compostela sa Davao de Oro.