“I am one with the entire Filipino nation in celebrating the New Year.”
Nagbigay ng mensahe si President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bilang pakikiisa niya sa mga Pilipino sa pagdiriwang ng Bagong Taon.
Sa ibinahaging post ng Office of the President nitong Linggo, Disyembre 31, kinilala ni Marcos ang mga tagumpay at pagsubok na dala ng lilipas na taon kasabay ng pagyakap sa mga bagong oportunidad na darating.
“Indeed, every new beginning allows us to reflect on what we have accomplished, move forward with the lessons we have learned, and reinforce on the unity we have forged as a people,” saad ni Marcos.
As we welcome 2024 with great optimism, I call upon every Filipino from every corner of the world to contribute to the future of our beloved motherland.
Nanawagan din siya na sa pagpasok ng 2024, mag-ambag-ambag ang bawat Pilipino para sa kinabukasan ng Inang Bayan.
“Let us embody the spirit of solidarity through acts of kindness, volunteerism, and compassion, knowing that each of us is a catalyst for our country's meaningful social transformation,” aniya.
Dagdag pa niya: “Truly, I am delighted to begin this new year with you as we strengthen our bonds and charter a new roadmap for tomorrow. Let the dream of a revitalized Philippines-a Bagong Pilipinas-guide our every endeavor as we bring forth peace, progress, and prosperity for all.”
“Isang mapayapang Bagong Taon sa ating lahat!”
Samantala, nauna nang magpaabot ng mensahe si Vice President at Department of Education Secretary Sara Z. Duterte para sa pagsalubong sa 2024.
MAKI-BALITA: VP Sara sa Bagong Taon: ‘Patuloy tayong maghahatid ng serbisyong tapat’