Sabi nga, good or bad publicity is still publicity. Mapa-maganda o pangit na istorya kaugnay ng isang artista, celebrity, o maging social media influencers, talagang makatutulong din ito sa career para siya o sila ay mapag-usapan, umingay ang pangalan, at maging relevant lalo na sa social media.

Kaya naman, narito ang ilan sa mga pinakapinag-usapang "showbiz walwalan" o mga intriga, isyu, at kontrobersiyang kinasangkutan ng mga celebrity ngayong 2023.

1. "Bakit ka sad sa back to work" ni Donnalyn Bartolome

Marami ang napa-react sa Facebook post ng social media personality-actress na si Donnalyn Bartolome tungkol sa muling pagbabalik-trabaho pagkatapos ng holiday break. Aniya sa kaniyang post noong Enero 3, "Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya? Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun. Dapat grateful kasi may work. If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikiligin ka and sheet [emoji] Anyway, this is just a reminder that having a job is a blessing bessss change mindset, it’s 2023."

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Dahil dito, tinagurian tuloy siyang "patron saint of labor and employment." Ipinaliwanag naman niya ang kaniyang panig tungkol dito.

2. Pagkatalo ni Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022 at pagsisi kay "Darna"

Hindi pinalad na makapasok ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2022 na si Celeste Cortesi sa Top 16, sa naganap na coronation night noong Enero 15 ng umaga (PST).

Ang mga kandidatang pasok sa Top 16 at posibleng maging Miss Universe 2022 ay sina Samantala, hindi naman pinalad sina Miss Puerto Rico, Miss Haiti, Miss Australia, Miss Dominican Republic, Miss Laos, Miss South Africa, Miss Portugal, Miss Canada, Miss Peru, Miss Trinidad & Tobago, Miss Curacao, Miss India, Miss Venezuela, Miss Spain, Miss USA, at Miss Colombia.

May mga nagsabing masyado raw kasing na-hype si Celeste sa online at socmed.

May mga nagsasabi namang nagdulot daw ng "kamalasan" sa kaniya ang pagsusuot ng Darna-costume dahil sa "pag-flop" daw ng "Mars Ravelo's: Darna The TV Series" ni Jane De Leon sa ABS-CBN.

3. Birthday cake incident ni Alex Gonzaga-Morada

Umani ng reaksiyon mula sa mga netizen, kapwa celebrities at influencers ang pamamahid ng icing ni Alex Gonzaga-Morada sa isang waiter na nagsilbi ng cake sa kaniyang birthday party.

Makalipas ang ilang araw ay humingi ng paumanhin si Alex sa lahat ng mga nasaktan sa kaniyang ginawa. Nagbigay rin ng statement ang waiter na nagkausap daw sila ni Alex at humingi na ito ng tawad sa kaniya.

Dahil sa isyu, naungkat ang naging gap sa pagitan ni Alex at beteranang aktres na si Dina Bonnevie, tungkol sa tinukoy ng huli sa isang natalakang co-star sa isang serye dahil sa pagiging pa-importante nito.

Sa birthday naman ni Dina, tila nagpatutsada siyang ang icing daw ay kinakain at hindi ipinapahid sa mukha ng ibang tao.

Samantala, inamin naman ng mister ni Alex na si Mikee Morada na totoong nagkamali ang kaniyang misis, at humingi rin siya ng tawad sa mga taong nasaling ang damdamin sa ginawa nito.

4. 20th anniversary concert ni Toni Gonzaga-Soriano

Masasabing naging matagumpay ang "I Am Toni" concert ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano na ginanap noong Enero 20 sa Smart Araneta Coliseum.

Ang concert na ito ay pagdiriwang ni Toni para sa 20th anniversary sa industriya.

Kinanta ni Toni ang kaniyang mga naging hit songs, at siyempre, pati na ang mga inawit niya sa panahon ng kampanya gaya ng "Roar" at "Titanium". Hindi rin siya nangiming banggitin ang "Sabay-sabay!" na sumikat na pang-asar sa kaniya, dahil hindi niya raw naabot ang nota sa nabanggit na huling awiting nabanggit.

Siyempre, hindi rin mawawala sa kaniyang concert ang kapatid na si Alex Gonzaga, na nag-trending dahil sa isyu ng pamamahid ng icing ng cake sa noo ng male server, sa birthday party para sa kaniya.

Bago ang concert, kaliwa't kanang pang-ookray ang natamo ni Toni mula sa netizen dahil hinanap nila ang mga artista at taong nakasama ni Toni sa loob ng 20 taon niya sa industriya, na karamihan daw ay naging katrabaho niya sa ABS-CBN na naging tahanan niya sa loob ng mahabang panahon. Subalit dahil sa mga naging isyung politikal dahil sa pagsuporta niya sa UniTeam ay nag-resign si Toni sa "Pinoy Big Brother" bilang main host at tuluyang umalis sa Kapamilya Network. Isa sa mga naging special guest ni Toni ay ang master rapper na si Andrew E na nakasama lamang niya sa panahon ng kampanya.

Bukod dito, inisyu rin na hindi naman daw talaga sold-out ang concert tickets at ang iba ay ipinamigay para lamang daw masabing napuno niya ang concert venue. Sa kabila nito, hindi nagsalita tungkol sa isyu si Toni.

5. Pag-amin ni Pokwang na hiwalay na sila ni Lee O'Brian/Pagpapadeport sa kaniya

Tuluyan nang binasag ni Kapuso comedy star "Pokwang" ang kaniyang katahimikan hinggil sa paghihiwalay nila ng American actor na si Lee O'Brian, sa Friday episode ng "Fast Talk with Boy Abunda."

Diretsahang tanong ni Tito Boy, bakit daw nagsinungaling si Pokie nang unang mauntag kung bakit sila naghiwalay noong 2022?

Sagot ni Pokwang, kinailangan niyang gawin iyon upang pagtakpan pa rin ang ex-partner na ama ng kaniyang anak na si Malia. Dito ay isinalaysay na nga ng komedyante ang puno't dulo ng kanilang hindi pagkakaunawaan: ang negosyo nilang gourmet food na "PokLee."

Aniya, ang gusto lang naman daw ni Pokwang ay ma-update sa kung ano na ang lagay ng negosyo, na tila minasama raw ni O'Brian. Dito na napaiyak ang komedyana.

Nabunyag na rin ni Pokwang na matagal na pala silang hindi halos nagkikibuan ng ex-partner. Bago pa man daw ang komprontasyon dahil sa negosyo, inamin ni Pokwang na hindi na sila nag-uusap ni Lee. Parang pakiramdam daw niya ay nawala na ang respeto sa kanilang relasyon. Dumating pa raw sa puntong hindi sila nagkikibuan kapag nagkakasalubong sa hagdanan sa loob ng kanilang tahanan.

Kamakailan lamang, bago matapos ang 2023 ay nakatanggap ng magandang balita si Pokie na nanalo siya sa deportation case na inihain niya laban sa dating partner.

6. Bardagulang Willie Revillame at Cristy Fermin

Isang palabang Willie Revillame ang napanood ng kaniyang mga tagasubaybay sa February 7 episode ng kaniyang programang "Wowowin" sa ALLTV, kung saan isa-isa niyang binanatan ang ilang showbiz personalities na umano'y nagsasalita laban sa kaniya kaugnay ng naging panawagan niya sa publiko na i-set aside ang politika patungkol sa isyung kinahaharap ngayon ng network.

Hindi pinangalanan ni Willie sa ngayon kung sino-sino ang mga naturang showbiz personalities na bumibira sa kaniya ngayon subalit batay sa mga pahayag ni Willie, ang mga personalidad na ito ay may "utang na loob" sa kaniya.

Minsan sa buhay nila ay humingi raw ng pabor ang mga ito sa kaniya noon, kaya nagtataka siya kung bakit binabanatan siya ngayon sa pamamagitan ng social media posts o vlogs.

Pagdidiin pa ni Willie, hindi raw siya nanunumbat sa tulong na ibinigay niya kundi nagpapaalala lamang sa mga "nakalilimot."

"Masyado n'yo na akong inaapi. Masyado n'yo na akong sinasaktan. Hindi ako susuko sa inyo! I-vlog n'yo ako bukas! Pagtulung-tulungan n'yo ako, hindi ako natatakot! Yun ang gusto n'yo? Okay lang, sige! Tirahin n'yo ako araw-araw, minu-minuto, I don’t care! Kayo ang may utang na loob sa akin! Hindi ako! Tandaan n'yo 'yan sa buhay n'yo!," diretsahang pahayag ni Willie sa mga tinutukoy na personalidad.

Sa mga susunod na araw daw ay handa siyang magbitiw ng pangalan sa kung sino-sino ang mga tinutukoy niyang natulungan o lumapit sa kaniya noon.

Ang isa raw ay sinabihan siyang "mayabang" gayong dati raw binigyan niya ng isang condo unit sa Wil Tower, at kotse.

Ang isa naman daw ay binigyan niya ng ₱50k noong tumakbo itong konsehal subalit natalo. Sinasabihan raw siya ngayong nagmamakaawa.

Ang isa naman ay magaling daw sumayaw at nabigyan pa raw niya ng trabaho sa Wowowin subalit lagi raw inaantok at pa-Ingles-Ingles pa. Ang nanay at tatay raw nito ay pinatulog niya noon sa bahay niya sa Tagaytay.

Kinabukasan, pumalag naman dito ang showbiz columnist na si Cristy Fermin. Mataas ang emosyon ni Cirsty hinggil sa paglalahad niya ng kaniyang panig patungkol sa pinag-usapang mga litanya ni Willie. Idinetalye ni Cristy kung paano ang naging takbo ng usapan nila ni Willie matapos sumambulat ang kontrobersiyal nitong mga pasabog sa Wowowin. Sa huli, nagkaayos din naman ang dalawa.

7. Paglantad nina Aljur Abrenica at AJ Raval sa Valentine's Day

Sa Valentine's Day mismo ay tila inilantad na nina AJ Raval at Aljur Abrenica ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pag-flex sa isa't isa.

Ibinahagi ni AJ ang larawan nila ni Aljur habang nasa isang beach kung saan tila sumasayaw sila. Kahit na nakatalikod ang shot, hindi maitatatwang sila ang magkasama.

"I'll always give you all the love I have in my heart and love you unconditionally," caption ng Vivamax star.

Sa comment section, nag-iwan ng red heart emoji si Aljur.

Hindi naman nagpahuli si Aljur dahil ibinahagi niya naman sa social media ang litrato nila ni AJ katabi ang isang motorsiklo. Walang nakalagay na caption dito. Apat na red heart emojis naman ang inilapag na komento rito ng aktres.

Sinasabing 2021 pa magkarelasyon ang dalawa, nang pumutok ang balitang hiwalay na bilang mag-asawa sina Aljur at Kylie Padilla.

Sinagot naman ni Kapuso actress Kylie Padilla ang tanong ng press people kung anong masasabi niya sa ginawang paglalantad nina AJ at estranged husband sa kanilang tunay na relasyon, na itinaon pa mandin sa mismong Valentine's Day.

Ayon sa estranged wife ni Aljur, masaya siya dahil lahat ay nahanap na umano ang mga bagay at taong makapagpapaligaya sa kanila.

Naganap ang pagsagot na ito sa idinaos na media conference para sa bonggang megaseryeng "Mga Lihim ni Urduja" na papalit sa hit drama-fantasy series na 'Maria Clara at Ibarra" na na-extend pa ang pag-ere.

"I'm happy for everyone. But seriously, 'di ba? Kapag dumarating yung... some sort of depression, just to be happy is a blessing already. Talagang no joke. I'm just happy that everyone's finding their happiness already," pahayag ni Kylie.

8. Pagsita ni Direk Erik Matti kay John Arcilla

Inedit na ng award-winning actor na si John Arcilla ang kaniyang Instagram post na nagpapasalamat sa mga tao at institusyong nakatulong sa kaniya upang magawaran ng iba't ibang parangal, local man o international, na naging dahilan upang kilalanin siya ng senador sa pamamagitan ng isang resolusyon.

Matatandaang noong Setyembre 2021 ay nagawaran ng Volpi Cup si John dahil sa kaniyang pagganap sa naturang pelikula, sa 78th Venice Film Festival.

Sa pamamagitan ng pagsulong ni Senador Lito Lapid, ginawaran ng pagkilala si Arcilla at iba pang Pinoy artists na kinilala sa ibang bansa sa pamamagitan ng Senate Resolution 490.

Pumalag naman dito ang direktor ng pelikulang "On the Job: The Missing 8" na si Direk Erik Matti.

Ang concern ni Mati, hindi man lamang daw nabanggit sa social media posts ni John maging ng Star Magic ang pelikula man lamang na nagpapanalo sa aktor sa nabanggit na prestihiyosong international festival.

Mukhang nakarating na sa kaalaman ni John Arcilla at Star Magic ang naging pasaring ni Mati kaya inedit na nila ang kanilang captions sa congratulatory posts sa Instagram.

Makikitang sa dulo ng IG post ay binanggit na ni John ang pangalan ng pelikula pati na sa direktor.

9. "Rebranding" ni Liza Soberano

Nagsalita ang dating Kapamilya actress na si Liza Soberano tungkol sa matagal nang pinag-uusapang paglisan sa Star Magic, ABS-CBN, at pangangalaga ng kaniyang talent manager na si Ogie Diaz, sa vlog niya na may pamagat na "This is Me."

Mukhang pagod na si Liza sa mga "pressure" at "dikta" sa kaniya ng mga taong nakapalibot at nagsilbing tulay sa pag-angat ng kaniyang showbiz career simula noong teenager pa siya hanggang sa mag-20s na siya, kaya ang nais niyang gawin ngayon ay ang gusto niya talagang gawin.

Idinetalye ni Liza na simula pa noong nagsisimula pa lamang siya, marami nang bagay na oo na lamang siya nang oo at gumagalaw batay sa sinasabi sa kaniya ng iba, dahil may imahe siyang kailangang alagaan. Maging ang pagpili niya ng screen name na "Liza" mula sa tunay na pangalang "Hope Elizabeth Soberano" ay hindi raw niya choice.

Pakiramdam daw niya ay isa lamang siyang "bulaklak" sa isang tabi.

"I am 25 years old now and I think people forget that I've been working for 13 years now since I was 12 years old. And, I've been in six feature films, over 500 episodes of teleseryes and have only really dabbled into three main genres - romance, comedy and drama," paliwanag ni Liza.

"And since I was 16, I had only really worked side by side with one main co-star, with the same production company rotating around the same three directors," dagdag pa.

"And during all those years I was never really asked for my input, my thoughts, my ideas. I felt like I was being told to be just a flower for so long and I finally started to explore a world of being able to create and tell my story and hopefully others," aniya pa.

Noong pandemya raw siya nakapag-isip-isip nang tunay niyang gustong gawin sa buhay.

Pinasalamatan niya ang bagong manager na si James Reid at ang team nito, dahil unang beses daw niyang naka-experience sa isang manager na tanungin siya kung anong gusto niyang gawin sa buhay.

Sa kabilang banda, grateful pa rin siya sa anumang mga bagay na nagawa, nagkaroon, at napuntahan niya dahil sa pamamayagpag ng kaniyang showbiz career sa Pilipinas.

10. Pasabog na Panayam kay Liza (pa rin) sa "Fast Talk with Boy Abunda"

Dahil dito ay binalikan ng mga netizen ang dating talent manager ni Liza na si Ogie Diaz upang malaman ang kaniyang reaksiyon sa mga nasabi ng dating alaga. Mas lalo pa itong naglatang nang makapanayam ni Boy Abunda si Liza sa Fast Talk with Boy Abunda, at dito ay naibahagi ni Liza ang tungkol sa porsyentong nakukuha ng dating manager mula sa kaniya, kahit hindi na siya nito hawak bilang talent.

Nagsalita rin ang tatay ni Liza na si John Soberano patungkol sa isyu, sa panayam ni TV5 showbiz news reporter MJ Marfori.

“Everybody blow everything out of proportion so sometimes you have to sit back relax and rewatch what she said and really understand what she's saying," aniya.

Sa kaniyang vlog naman ay inilahad naman ni Ogie ang tungkol sa kaniyang panig kaugnay ng mga naisiwalat ni Liza sa panayam ni Boy.

Take note, mula Enero hanggang Pebrero pa lang 'yan, mga Ka-Balita!