Ininspeksyon ng Department of Health (DOH)-Eastern Visayas Center for Health Development ang mga ospital sa rehiyon upang masiguro na may sapat na kagamitan, gamot, staff, at designated FWRI (fireworks-related injuries) fast lanes ang mga ito.

Nasa anim na ospital ang nabisita ng mga opisyal ng DOH sa rehiyon.

Probinsya

3 pang katawan, narekober sa MV Trisha Kerstin 3; casualties, pumalo na sa 57!

Kabilang sa mga naturang pagamutan ang Eastern Visayas Medical Center, Divine Word Hospital, Governor Benjamin T. Romualdez General Hospital and Schistosomiasis Center, Remedios Trinidad Romualdez Hospital, Leyte Provincial Hospital, at Ace Medical Center.

Sa ngayon, umaabot na sa anim ang naitalang FWRI sa Rehiyon 8 mula Disyembre 21-30.

Apela ng DOH sa rehiyon, huwag nang magpaputok sa pagsalubong sa Bagong Taon upang maiwasan ang anumang insidente.