Naglunsad ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng caravan sa Metro Manila nitong Linggo bilang bahagi ng programa nitong "Oplan Paalala-Iwas Paputok" na may layuning maiwasan ang anumang insidenteng dulot ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Nasa 30 truck ng bumbero ng BFP, fire volunteer at ambulansya ang kabilang sa nag-ikot sa EDSA, Quezon City at sa iba pang lugar sa National Capital Region (NCR).

Pinaalalahanan ng BFP ang publiko kaugnay ng pag-iwas sa sunog at paggamit ng mga paputok.

Panawagan ng BFP, maghanap na lamang ng ibang paraan upang makalikha ng ingay.

National

Meralco, may dagdag-singil ngayong Pebrero

Naka-full alert status na ang BFP bilang bahagi ng paghahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon.