Isang Briton ang nasawi matapos umanong malunod sa isang beach sa Nasugbu, Batangas nitong Sabado ng gabi.

Nakilala ang dayuhan na si Clive, 61, taga-Montecillo Homes, San Jose del Monte, Bulacan.

Sa police report, ang insidente ay naganap sa Maya-Maya Beach Resort sa Nasugbu, dakong 7:00 ng gabi.

Nasa impluwensya umano ng alak ang naturang banyaga nang matagpuang lumulutang sa lugar.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Kaagad din siyang isinugod sa Jabez Medical Center kung saan idineklarang dead-on-arrival.