Dalawa ang naiulat nasawi makaraang masunog ang isang medium-rise building sa Taguig City nitong bisperas ng Bagong Taon.

Sa paunang report ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 4:58 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa Barangay Ususan.

Mula sa isang junk vehicle, gumapang ang apoy sa lugar kaya't itinaas ang unang alarma ng sunog dakong 5:04 ng hapon.

Matapos ang halos kalahating oras, tuluyan nang naapula ang apoy.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Inaalam pa ng BFP ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawi.

Masusi pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.