Bataan: 4 pinosasan dahil sa pagbebenta ng paputok online
Dinampot ng pulisya ang apat na indibidwal matapos mabistong nagbebenta ng mga paputok online sa ikinasang operasyon sa Morong, Bataan nitong Sabado.
Hindi binanggit ng pulisya ang pagkakakilanlan ng apat na suspek na nasa kustodiya na ng pulisya.
Ipinaliwanag ng pulisya, ginagamit ng mga suspek ang social media upang makapagbenta ng kanilang produkto.
Nakumpiska sa apat na suspek ang iba't ibang uri ng paputok na nagkakahalaga ng ₱30,000.
Nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 7183 (An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution, and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices) ang mga suspek.