Winasak ng pulisya ang iba't ibang klase ng paputok na nauna nang sinamsam sa sunud-sunod na operasyon sa Quezon City.

Mismong si QCPD chief, Brig. Gen. Redrico Maranan ang nanguna sa ceremonial destruction ng mga paputok sa Camp Karingal nitong Sabado, Disyembre 30.

Ang mga naturang paputok na nagkakahalaga ng mahigit ₱400,000 ay nahuli sa magkakahiwalay na entrapment operations ng pulisya kamakailan.

Kaugnay nito, nagbanta si Maranan na aarestuhin at sisibakin nito sa puwesto ang sinumang tauhan nito na magpapaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Bukod aniya sa pagkakasibak sa posisyon, sasampahan din ng kasong administratibo ang mga ito.