Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Biliran nitong Sabado ng gabi, Disyembre 30, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:45 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 8 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Kawayan, Biliran, na may lalim na 7 kilometro.

Naitala ang Instrumental Instensities sa mga sumusunod na lugar:

Probinsya

Philippine Army, nagbigay-pugay sa opisyal na nagbuwis ng buhay sa MV Trisha Kerstin 3

Intensity III - Kawayan, Biliran; Calubian, Leyte

Intensity II - Leyte, Leyte

Intensity I - Ormoc City, Leyte

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.