Natagpuan ng mga awtoridad ang isang bangkay ng lalaki sa bakanteng lote sa Barangay Inayagan, Naga southern Cebu nitong Sabado ng madaling araw, Disyembre 30.

Ayon sa ulat ng CDN Digital at DYHP RMN Cebu, pinaniniwalang miyembro ng LGBTQ community ang nasabing bangkay. Sa ulat, naniniwala umano ang mga awtoridad na pinatay sa sakal ang biktima dahil wala raw itong nakitang sugat sa katawan.

Probinsya

Curious lang daw! Bagger sa mall, arestado dahil nandekwat ng condom

Dagdag pa, ang biktima umano ay blond ang buhok, nakasuot ng itim na damit at pang-ilalim, nang madiskubre ang bangkay bandang alas-kwatro ng madaling araw.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.