₱1,000 polymer bill, itinanghal na "Best New Banknote" sa Sri Lanka -- BSP

(BSP/FB)
₱1,000 polymer bill, itinanghal na "Best New Banknote" sa Sri Lanka -- BSP
Nag-uwi ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng "Best New Banknote Award" para sa ₱1,000 polymer bill ng Pilipinas sa isinagawang High Security Printing Asia conference sa Colombo, Sri Lanka kamakailan.
Noong 2022, nanalo rin ito bilang "Bank of the Year Award" sa idinaos na awarding ng International Banknote Society.
Paliwanag ng BSP, ang polymer banknote ay unang pera ng Pilipinas na nanalo ng award, laban sa iba pang finalist na mula pa sa Algeria, Barbados, Egypt, Northern Ireland at Scotland.
Nakapag-uwi rin ang BSP ng "Best New Currency Public Engagement Program" mula sa International Association of Currency Affairs noong Mayo 2023 kaugnay ng communication campaign nito para sa nasabing bill.