May ibinahagi ang direktor na si Zig Dulay tungkol sa kanilang pelikulang “Firefly” na kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival.
Sa Facebook post ni Zig nitong Biyernes, Disyembre 29, ibinahagi niya ang kuwento ng kanilang pelikula.
“Ang totoo, mahirap abutin ang pangarap. Maraming balakid sa daan, at mas madali na lang sanang sumuko. Pero may mga kuwentong nagpapaalala sa atin — na posible, at kaya natin itong abutin, ito ang kuwento ng FIREFLY,” panimula ni Zig.
“Ang kuwento ni Tonton ang magpapaalala sa atin sa kapangyarihan ng pangarap, mahika ng pag-ibig at lakas ng sining,” aniya.
Dagdag pa ng direktor: “Ang pelikulang ‘Firefly’ ay isang pangarap, lalo’t nakapasok at nanalo ito sa Metro Manila Film Festival 2023. Mahirap itong buuin, pero naging mas madali dahil sa tulong ng buong team.”
Sa huli, isa-isang pinangalanan at pinasalamatan ni Zig ang mga indibidwal at grupo na naging bahagi para maisakatuparan ang kanilang pelikula.
Matatandaang nasungkit ng “Firefly” ang “Best Picture” sa ginanap na 2023 MMFF Gabi ng Parangal noong Disyembre 27.
MAKI-BALITA: Listahan ng mga nagwagi sa 2023 MMFF Gabi ng Parangal
MAKI-BALITA: Official entry ng mga pelikula sa MMFF 2023, pinangalanan na