Isang magnitude 4.4 na lindol ang tumama sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Biyernes ng madaling araw, Disyembre 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:27 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 24 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 16 kilometro.
Ayon sa Phivolcs, ito ay isang aftershock ng magnitude 7.4 na lindol sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig
Kaugnay na Balita: