Naglabas ng public advisory ang pamahalaang lungsod ng Maynila, kaugnay ng pagbabayad ng real property taxes.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, ang nasabing schedule ng discount para sa Real Property Tax payments ay formulated na para sa mga magbabayad ng maaga.

'Impeach Sara!' Ilang progresibong grupo nagkilos protesta sa harap ng Kamara

Sinabi ng alkalde na para sa mga nagbayad ng hanggang Disyembre 29, ang taxpayer ay magkakaroon ng 15% discount para sa  non-delinquent account.

Idinagdag pa ni Lacuna na para sa  real property tax payments naman mula Enero 1-31, 2024, sila ay magkakaroon ng 10 percent discount

Maaari aniyang gawin ang pagbabayad sa pamamagitan ng Go Manila app o via www.gomanila.com.

Maaari rin namang magbayad sa  Taxpayer's Center sa Manila City Hall.

Pinayuhan pa ni Lacuna ang lahat ng property owners sa Maynila na magbayad ng maaga, upang maka-discount.