Hindi magkakaroon ng transport crisis sa Metro Manila pagsapit ng Enero sa susunod na taon, ayon sa pahayag ng Department of Transportation at (DOTr) Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ito ay kahit matatapos na ang itinakdang deadline sa application para sa mandatory franchise consolidation ng tradisyunal na public utility jeepneys (PUJs) sa Disyembre 31.

Nilinaw ng LTFRB sa isinagawang press conference, lahat ng major thoroughfares sa Metro Manila ay may malaking bilang na ng mga bibiyaheng consolidated PUVs (public utility vehicles) sa susunod na taon na makakatugon sa pangangailangan ng commuters.

Eleksyon

Teddy Casiño, nakasama sina Heidi Mendoza, Luke Espiritu: ‘Maybe next time’

Sinabi ng ahensya, maiikling ruta na lamang ang may mga kakulangan sa naka-consolidate na PUJs kaya't masasalo ito ng ibang public transportation at madadaanan din ng mga naka-consoldate na jeep na mahaba ang ruta.

Dahil dito, hinihikayat pa rin ng dalawang ahensya ang mga operator at driver na magharap na ng aplikasyon para sa franchise consolidation.

Sa ilalim ng Memorandum Circular 223-052 (Guidelines on the Implementation of the PUVMP (public utility vehicle modernization program) after 31 December 2023 deadline for filing the Application for Consolidation) ng LTFRB, hindi na makabibiyahe pa ang mga unconsolidated sa mga rutang may 60% o higit na ang nakapag-consolidate; papayagan naman silang bumiyahe hanggang Jan. 31, 2024 sa mga ruta na mas mababa sa 60% o wala pang nakapag-consolidate.