Emosyonal ang award-winning actor na si Christian Bables nang kapanayamin siya ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila.

Napag-usapan kasi sa latest vlog ni Karen ang tungkol sa namayapang ama ni Christian noong 8 years old siya. Ayon sa aktor, sobrang hirap daw lumaki nang walang ama.

“Kasi kailangan kong i-figure out ‘yung mga bagay-bagay all by myself because my mom, she’s very hardworking woman bilang siya ang bumubuhay sa aming magkakapatid,” paliwanag ni Christian.

“Naiintindihan ko ‘yun, Miss Karen, na most of her time, nasa work. So, every time na kailangan ko ng guidance, kinailangan ko siyang i-figure out by myself,” aniya.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Hanggang ngayon, malinaw na malinaw pa rin daw sa alaala ni Christian ang pagkamatay ng kaniyang ama. 

Nasa bakasyon daw siya noon sa probinsya. Isang gabi bago pumanaw ang kaniyang ama, tumawag daw ito sa kaniya. Mahangin daw noon at panay ang iyak nito habang siya naman ay tanong nang tanong kung bakit ito umiiyak. 

Kinabukasan, pinauwi na raw siya ng nanay niya. Nang matanaw niya ang kanilang bahay, takang-taka raw siya kung bakit maraming tent. Doon na niya matutuklasan ang kabaong ng ama.

Sa kasalukuyan, nabubuhay pa rin daw si Christian sa bitbit na trauma ng alaalang ‘yun. Simula noon ay nakaramdam na siya ng matinding takot na mawalan ng mahal sa buhay.

“Kaya ngayon, kay Tito Boy [Abunda], ‘yung mga nami-meet ko along the way na nagpapakita sa akin ng kagandahang-loob, para sa akin tatay na agad ‘yun, Miss Karen,” saad ni Christian habang pinipigilang maiyak.

Sey tuloy ni Karen habang inaalo ang aktor: “Parang napaka-appreciative mo.”

“Sobra, Miss Karen. Kasi alam ko ‘yung pakiramdam na hindi mo masabi ‘yung kung gaano ka ka-thankful sa isang tao, kung gaano mo kamahal ‘yung isang tao, bigla na lang mawawala sa ‘yo ‘yung taong ‘yun,” ani Christian.

Kaya malaking factor daw ang karanasang ito kung bakit pinipili ni Christian na mag-ingat sa pag-ibig.

“Ayaw ko ng play time, Miss Karen. Gusto ko ‘yung alam kong aalagaan ko at alam kong aalagaan din ‘yung puso ko,” wika ng aktor.

Pero kahit hindi pa raw niya nakikita ngayon, umaasa siyang mahahanap niya ang taong ‘yun na pagbubuhusan niya ng sobra-sobrang pag-ibig.

Matatandaang kamakailan lang ay shini-ship si Christian sa kaniyang “Dirty Linen” co-star na si Jennica Garcia dahil sa chemistry nilang dalawa.

MAKI-BALITA: ‘Na-ghost?’ Jennica Garcia, bigla raw nilayuan ni Christian Bables noon

MAKI-BALITA: Christian Bables kung bakit nilayuan si Jennica noon: ‘Gusto kong i-lugar ‘yung sarili ko that time’