Kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) na walang maitatalang insidente ng stray bullet sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Sa press conference sa Camo Crame nitong Huwebes, ipinaliwanag ni PNP Spokesperson, Public Information chief Col. Jean Fajardo, wala pang naiuulat na biktima ng ligaw na bala ngayong holiday season.

Sa kabila nito, binanggit ni Fajardo na 62 ang naitalang insidente kaugnay ng pagpapatuloy ng kanilang Oplan Ligtas Paskuhan 2023.

Aniya, kabilang sa mga nasabing insidente ang illegal discharge of firearms, ilegal na pag-iingat at pagbebenta ng mga paputok, at sunog dahil sa paputok.

National

'Julian,' napanatili ang lakas; Signal No. 3, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Natukoy na rin aniya ang pagkakakilanlan ng 18 suspek sa pagpapaputok ng kanilang baril at nahaharap na sa kaukulang kaso.

Dalawa rin aniya ang naiulat na nasawi matapos sumabog ang mga paputok na karga ng isang truck sa Marikina City nitong Disyembre 16.