Matapos ang panayam kay Ava Mendez ng isang vlogger patungkol sa isyung ikinokonekta sa kaniya kay Kapuso hunk actor Jak Roberto, sinabi ng mga netizen sa comment section na isang "red flag" ito.

MAKI-BALITA: Sey mo Barbie? Ava nagsalita na tungkol kay Jak

Bagama't nilinaw ni Ava na walang malisya, walang nangyari, at hindi niya papatulan si Jak dahil may jowa na't hindi niya ito bet, pinag-iingat na ng mga netizen si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, lalo na sa pasabog ni Ava na "touchy" at "aggressive ang aktor kapag lasing o nakainom.

MAKI-BALITA: Buking ni Ava Mendez: Jak Roberto, ‘touchy’ at ‘agresibo’ kapag lasing

National

VP Sara, wala nang balak maging miyembro ulit ng gabinete; PBBM, nag-react

Tila hindi nagustuhan ng mga netizen ang salaysay ni Ava na niyayakap-yakap siya ni Jak sa loob ng elevator habang patungo sila sa hotel room na kinuha sa kanila ng common friend na nag-imbita sa kanilang dalawa sa party nito.

Hindi na raw sila pinauwi nito dahil pare-pareho na silang lasing, para na rin sa safety nila.

Nilinaw ni Ava na hindi totoong pumasok sa kuwarto niya si Jak, bagama't sinabi niyang nang matapos daw ang round 2 ng inuman nila ay bumabalik pa raw ito para uminom pa; inawat lang ito ng personal driver nito.

MAKI-BALITA: ‘Bangag talaga siya!’ Jak may ginawa kay Ava sa elevator ng hotel

Sa dulo ng panayam, sinabi ni Ava na hindi siya papatol sa isang taong may jowa at hindi niya gusto si Jak.

MAKI-BALITA: Totropahin o jojowain: Ava papatulan ba si Jak kahit may Barbie na?

Narito ang ilan sa mga mababasang reaksiyon at komento sa comment section ng TikTok post ni Madam LQ:

"🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩"

"red flag naman yung nagiging touchy kapag lasing tapos may pa back hug pa. close friends or hindi ekis to lalo babae 🤣"

"i smell something fishy 😂"

"@Barbie Forteza @Imelda Forteza pls open your eyes and listen. As a fan of yours I’m concern. Okay lang ba sayo to ginawa ni [Jak] as your gf?"

"Tara guys enrol na tayo sa Lasheng Lashengan School of Acting Major in Friendly Back Hugging😂"

"Touchy naman pala at aggressive yikes"

"lol.. how this girl said na hinug sya from behind though they are not that close is fishy..how she added the contracting statement is something😌"

"May hahabol #yearofbroken❤️"

"Dump that boy @Barbie Forteza. You deserve better, sis."

"@Barbie Forteza iwan mona red flag 🚩"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Jak at Barbie tungkol sa isyu.