Masayang-masaya si "E.A.T." host-actress Miles Ocampo na siya ang hinirang na "Best Actress in a Supporting Role" para sa pelikulang "Family of Two" sa Gabi ng Parangal ng 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City nitong Miyerkules, Disyembre 27.

Epic pa nga dahil nagkaroon ng kaunting aberya matapos hindi masama sa listahan ang pangalan ng siyang pararangalan, matapos hindi mabanggit ng presenter ng parangal na si KaladKaren o Jervi Li sa tunay na buhay, na nakatanggap na rin ng Best Supporting Actress award sa Summer Metro Manila Film Festival noong 2022.

Ayon sa kaniyang acceptance speech, nagsimula siya bilang isang child star sa ABS-CBN at mag-27 anyos na sa susunod na taon, subalit ngayon lamang siya nakatanggap ng parangal mula sa isang award-giving body.

Natalbugan lang naman ni Miles ang mga bigating kalabang nominees na sina Eugene Domingo (Becky and Badette), Gloria Diaz at Janella Salvador (Mallari), at Alessandra De Rossi (Firefly).

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Magaling naman talaga si Miles na nagsimula sa child gag show na "Goin' Bulilit" hanggang sa mapasama na sa iba't ibang serye.

Applauded nga ang naging performance niya bilang batang Cherry Pie Picache sa pilot week ng "FPJ's Batang Quiapo" at maraming nagsasabing it's about time na bigyan ng mas maraming proyektong magpapamalas ng kaniyang acting prowess si Miles.

MAKI-BALITA: Miles Ocampo, trending dahil sa makabagbag-damdaming pagganap sa ‘Batang Quiapo’

MAKI-BALITA: ‘Overwhelmed’: Miles Ocampo, labis ang pasasalamat sa mga sumuporta sa kaniya

In fairness, visible ngayon si Miles dahil sa kaniyang hosting stint sa E.A.T. matapos lumayas sa Star Magic at lumipat sa Crown Artists Management na pagmamay-ari ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nunez.

“Six years old po ako nagsimula sa industriya, 27 na po ako next year, first time ko pong nakatanggap ng award,” anang Miles.

“Ganito po pala ang feeling ng mga artista,” aniya pa.

Nag-cheer naman sa kaniya ang mga kasama sa pelikula sa pangunguna nina Megastar Sharon Cuneta at Kapuso Star Alden Richards.

Tila pampasaya ito sa buhay ngayon ni Miles bago magtapos ang 2023 dahil kamakailan lamang ay ibinahagi niya ang tungkol sa kondisyon niya sa usaping pangkalusugan.

MAKI-BALITA: Thyroid disease warriors Miles Ocampo, Angel Locsin, inulan ng pagmamahal sa isang viral post

Bukod dito, naghiwalay rin sila ng jowang si Elijah Canlas.

MAKI-BALITA: Elijah Canlas, Miles Ocampo hiwalay na

Congrats, Miles!

MAKI-BALITA: Listahan ng mga nagwagi sa 2023 MMFF Gabi ng Parangal