Ibinida ni "Lovers and Liars" star Claudine Barretto ang kaniyang tattoo sa likurang bahagi na gawa ng tattoo artist na si Butch Calderon Jr.

Ang nabanggit na tattoo ay nasa Katakana characters, isa sa tatlong writing system ng bansang Japan.

Makikitang ipinatattoo ni Claudine ang Sakura flowers na simbolo ng Japan at pangalan ng kaniyang apat na anak na sina Santino, Sabina, Quia, at Noah.

"its a wrap‼️ hindi ko expected un another [achievement] for 2023 it's my pleasure mam @claubarretto 🫶🏻🙃 dati pinanunuod ko [lang] ngayon client ko na ❤️," saad ng tattoo artist sa kaniyang Instagram post.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

"Thank u @butchcalderonjr for my Newest Tattoo 👍 luv it. Thank You Brother sa Xmas Gift Na Tattoo @jpalalayjr8," ani Claudine sa caption ng kaniyang Instagram post.

Marami naman sa mga netizen ang pumuri at na-appreciate ang mga bagong burda ni Clau sa kaniyang likurang balikat.

"That’s beautiful katakana name tattoos idol very creative 💝 paano yan hindi ka makakapasok sa sauna & public onsen dito sa jp bawal po ang tattoo mapag kamakan ka na yakuza jk 😁💕"

"Ang ganda po ng tattoo nyooo pero mas maganda ka po hihi ❤️🥰"

"ganda ng new tattoo"

"bagay and ang ganda!"

Ngunit may ilang netizens naman ang nakapuna na mispelled o mali raw ang ispeling ng pangalan ni Santino dahil ang spelling daw nito ay "santeino" at ang kay Sabina naman daw ay "sabi na."

Ang spelling naman daw ng pangalan ni Quia, na binibigkas ng "Ki-Ya," ay "ke-ya."

"It should be サンティノ but the イ wasn’t made miniscule pero OK na rin naman😁 - coming from someone who studied Japanese😊," anang isang netizen.

Sa kabila ng diskusyunan ng mga netizen ay tila wala namang keber dito si Claudine dahil habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi pa burado ang kaniyang Instagram post.