Namataan sa Masungi Georeserve sa Rizal ang π·πππππππ πβππππππππππ ππ o βKatmon,β isang punong katutubo raw sa Pilipinas.
Sa isang Facebook post ng Masungi nitong Miyerkules, Disyembre 27, makikita ang mga kulay puting bulaklak puno ng Katmon, maging ang kulay berdeng prutas nito.
Ayon sa Masungi, tinatawag din ang prutas ng Katmon na βelephant apple.β
β[Katmonβs fruit] can be used as a souring agent for soups like sinigang, jams, or sauces,β saad ng Masungi.
βThe captivating Katmon tree is one of the threatened endemic species that thrive naturally inside the georeserve,β dagdag pa nito.
Base naman sa ulat ng Manila Bulletin, ang puno ng Katmon ay maaaring lumaki ng hanggang 17 metro. Natural itong lumalaki nang maayos sa mga kagubatan ng mababa at katamtamang taas.
Bumubuo raw ang Katmon ng istraktura ng ugat na tinatawag na βbuttress,β kung saan nabubuo ang mga ito sa ibabaw ng lupa at nagsisilbing stabilizers na pumipigil sa pagbagsak ng puno.