Malapit na naman ang pagsalubong sa Bagong Taon, at bilang tradisyon, nakasanayan na ang pag-iingay at pagpapaputok ng firecrackers at mga pampailaw upang pantaboy sa malas at bad vibes sa paparating na 2024.

Kaya naman, nagsagawa ng isang parada ang ilang animal welfare advocates at environmental health groups sa isang mall sa Quezon City nitong Huwebes, Disyembre 28, para ipanawagan ang pag-iwas sa paggamit ng iba't ibang paputok at pyrotechnic devices na makapagdudulot ng pinsala hindi lamang sa mga tao, kundi sa mga hayop at kalikasan.

Tinawag ang parada na "Iwas Paputoxic" na coinage ng salitang "paputok" at "toxic."

Layunin ng parada na pataasin ang kamalayan ng publiko sa epekto ng lighting firecrackers at pyrotechnic devices sa mga tao, kapaligiran, kalikasan, at sa mga alagang hayop, lalong-lalo na sa mga aso at pusa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Lubhang sensitibo kasi ang pandinig at pandama ng mga nabanggit na hayop, kaya maaari silang magtago sa takot dahil sa mga ingay na maririnig nila sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Bukod dito, ang mga kemikal na posibleng malanghap ng mga hayop at tao ay maaaring makapaminsala sa kanilang paghinga, lalo na sa mga may hika at may iba pang problema sa respiratory system.

Sa kasalukuyan ay mahigpit na ipinagbabawal ng bawat lokal na pamahalaan ang pagpapaputok ng mga malalakas na firecrackers.